pag nalaman mong may gusto sayo ang isang tao, mahuhulog ka na din sakanya.
Huwebes, Abril 19, 2012
Minsan gusto kong sagutin yung MAGULANG ko...
Sa totoo lang, minsan pag nagagalit sila sakin, kahit mababaw na dahilan naisip kong sagutin yung magulang ko. Kung minsan kasi mali yung sinasabi nila na tungkol sakin, halimbawa na lang na pag gagala sasabihin agad na makikipag date lang naman, kahit hindi naman. Kapag pinapagalitan kasi gabi na umuwi dahil sa project sasabihin agad nila nakipag date lang naman. Ganito ganyan, pero sa huli concern lang naman sila sakin kaya sila ganon. Gusto ko sagutin ang magulang ko..
pero nakaharang at nakabandera pa rin ang salitang PAG-GALANG.
Para-paraan din.
- Ako: (Nakaheadset pero walang music.)
- Mommy: sha, kunin mo nga yung papel sa kwarto.
- Ako: Ha?
- Mommy: Kunin mo yung paper sa taas.
- Ako: Ano?
- Mommy: Wala ang ganda mo.
- Ako: Thanks =)
Hindi ako kasing ganda o kasing bait ng mahal niya.
Sabihin na nating hindi kami magka-level o kaya di ako yung taste nya kaya hindi nya ko napapansin. Di ako kasing ganda ng mukha ng mahal niya, di ako kasing sexy ng mahal niya as in ang layo talaga. Kahit pa siguro sabihing wala yan sa itsura pero wala talaga akong laban, choosy sya eh.
Para akong housemate.
Yun bang parang nasa loob ako ng bahay ni Kuya ngayong bakasyon. Di lumalabas, halos di na alam kung anong oras o anong araw ngayon. Syempre hindi makukumpleto ang bahay ni Kuya kung wala si Kuya. Ang nagsisilbing Kuya dito sa bahay yung Lolo ko. Kumusta naman yun?
Di ako lumalabas ng bahay, eh san ba naman ako pupunta? Atsaka ang init sa labas mahangin lang. Yeah right, di ko na halos alam kung anong date na ba ngayon o kung anong araw na ngayon kasi ewan ko, eh umaga hanggang gabi, maghapon kong kaharap ang computer.
May task din naman kasi ako, maghugas daw ng plato, mag walis daw, mag ayos daw ng pinag higaan. O diba tambak ng task…
Di lahat ng joke nakakatuwa.
- Yung iba nakakalungkot, yung tipong sabihin niya crush ka rin niya pero sa huli joke lang.
- Yung iba nakakasakit, yung tipong kunwari nagjojoke pero nanlalait na pala.
- Yung iba nakakainis na, yun bang paulit-ulit na lang yung joke, di na nakakatuwa nakakaumay na.
Lunes, Abril 16, 2012
ANG PAG-IBIG PARANG PAGTATAE.
Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na pwedeng ihalintulad sa biglang pagramdam ng pagtatae. Naglalakad ka lang tapos bigla bigla ka na lang makakaramdam ng pagtatae, ni hindi mo alam kung bakit biglang sumakit tyan mo, ni hindi mo alam kung bakit biglang sumakit tyan mo, ni hindi mo matandaan kung ano kinain mo para sumakit ang tyan mo ng ganun. Gustong gusto mong mailabas agad ang nararamdaman mong ito dahil hanggat hindi mo nailalabas ang nararamdaman mo, ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan, Once na nailabas mo ang iyong nararamdaman, masasabi mo na lang sa sarili mosuccess!
LAITIN DAW BA EH.
- Habang nanonood ng 24/7 sa pbb.
- Mommy:Ang ganda naman ni Claire.
- Ninang:Ang dami namang black heads.
- Mommy:Maganda rin 'to si Nica
- Ninang:Ang itim naman ng kilikili.
dear future husband,
We will have so many fun times, intimate times, worried times, scary times, exciting times, sad times and happy times but no matter how much I feel like I hate you when you piss me off, I will still love you endlessly. When we’re ready for children I promise that every name we chose will be something we both love. And when the day is rough I know I’ll smile, just thinking about coming home to your arms, because they have been my home all along, haven’t they? I can’t wait to spend the rest of my life with you…
Your future wife <3
Martes, Abril 10, 2012
the one thing i would love in a relationship.
Is parental acception, Id love for both our families to know about each other, just imagine how that could change everything? You could sleep over, I can sleep over and we can actually go out without being scared one of our family members might see us, i can invite you to parties and you could just tell your mom “yeah i’m going to my boyfriends grandmas house, they’re having a family get together” how fun could being an open relationship be? Id love that.
what are words if you really don’t mean them?
“Love” without actions is just complete bullshit. Don’t tell someone how much you love them, don’t promise them you will never leave them, don’t swear and cross your heart you will never hurt them… If you know you will eventually. They say actions speaks louder than words, but sometimes just words alone kills us all.
Lunes, Abril 9, 2012
Usapang Pimples.
- Friend#1: Ayoko sa lahat may pimples eh.
- Friend#2: Ako gusto ko may pimples.
- Ako: Tanga! Bakit naman?
- Friend#2: Wala lang, design sa mukha.
each relationship between two people is absolutely unique.
That is why you can’t love two people the same. It simply is not possible. You love each person differently because of who they are and the uniqueness that they draw out of you.
Linggo, Abril 8, 2012
Bakasyon! Summmmmmer
Ito yung panahong wala nang klase, wala nang assignments at projects. Kalimutan mung ang school. Ito yung walang pera araw-araw, pahiga-higa, nood nood lang ng t.v magdamagan sa harap ng computer, kakain, tutulog lang. Nakakataba ang summer. Maghihintay ka lang ng swimming ng family nyo o di kaya ng classmates pag nagkayayaan, mangingitim ka, mag kaka sun burn. Sa bahay utos dito utos diyan.
Mas gugustuhin ko pang nasa school, may pera, hindi ako nauutusan, yun nga lang nakakatamad mag-aral. Swertihan lang ang walang klase.
Pigilan ang nararamdaman. :(
Bawal kasi.
Okay lang naman na mainlove ako sakanya, kaya lang kailangan kong ilihim ‘tong nararamdaman ko, bawal kasi, matalik ko syang kaibigan. Napapasisip ako palagi kung aaminin ko ba sakanya, iniisip ko kung ano ba ang pipiliin ko kung yung pagmamahal ko sakanya ng higit pa sa kaibigan o yung pagkakaibigan namin. Madami ang may karanasan na ganito. Ngayon ko lang ‘to naramdaman. Di ko alam kung anong dapat kong gawin.
Natatakot ako na pag ang pinili ko ay yung pagmamahal ko sakanya ng higit pa sa kaibigan baka mag end din yun sa break up tapos magbago pa siya sakin okaya hindi na maibabalik yung pagkakaibigan namin. Siguro nga tama ‘tong pinili kong maging magkaibigan na lang kami, kaysa naman aminin ko sakanya lahat mailang pa siya sakin.
Ang hirap pala.
Yung iba kakausapin lang ako ng tino pag may kailangan.
Madalas pag sila yung kakausapin ko parang di seryoso.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)